SHARON CUNETA: EXPECTANT MOTHER
by Ricky L. Calderon, The Manila Times Internet Edition, December 5, 2000


Megastar Sharon Cuneta is presently a picture of a happy expectant mother. The happiness radiates on her face and in her laughter as she awaits the birth of her second child (her first by husband Francis Kiko Pangilinan). We saw Sharon at the baby shower given by her Viva family, held at her Wack-Wack residence in Mandaluyong City last Nov. 22.

Sharon was so happy to see her many friends from Viva, including her leading men Robin Padilla, Edu Manzano, Rowell Santiago (also her director in Sharon), plus good friends Tirso Cruz III and wife Lyn Cruz, Lorna Tolentino, Ramon Salvador, Tess Cruz, scriptwriter Mel del Rosario, Viva executive Sandy Santamaria, just to name a new of her guests. Of course, her dear mom Elaine Cuneta was there as well as hubby Kiko.

The whole country is awaiting the birth of Shawieís baby and as the megastar said before, she needs all the prayers to ensure a safe delivery for her baby. The birth of her child will surely make this Christmas a memorable one for the megastar. She may have lost her father, the late Pasay City Mayor Pablo Cuneta some months ago but the upcoming birth of her child is enough reason for Sharon to be happy.

Q: How does it feel having a baby again?

A: Heto, puputok! [Laughter] Excited. Takot. Kasi si KCís turning 16 na; ang tagal ko nang walang baby. But Iím excited talaga. Pero, takot din kasi ang tagal hinintay and I mean bakaÖ well, hindi naman. Mabait ang Panginoon.

Q: Howís your tummy?

A: Mabigat. Di hamak na mas mabigat siya kaysa kay KC. Si KC, nang lumabas, 5.2 lbs.

Nahihirapan ako sa pregnancy ko ngayon coz, remember the first three months, iniksiyon ng iniksiyon everyday. Tapos once a week, mayroon pa ulit. Every three days, mayroon pa ulit, ibaít-ibang gamut. Sabi ng doctor, mukhang mga 7 lbs. na siya sa loob ng tiyan ko nitong huling check-up namin. Ngayon, everyday na ang check-up ko kasi malapit na. In about three to five weeks, due date ko na.

Q: But when is really your due date?

A: Dapat Dec. 30, pero iba ang case ko. High-risk pregnancy ako. Si KC rin, due date 22, pero lumabas 7. They are giving you two weeks before or two weeks after.

Q: What precautions are you taking to make sure your pregnancy is safe?

A: Walang pelikula. Kay KC, walang nagbago. Lumaki lang ang tiyan ko. Payat pa rin ako. Nakadalawang pelikula pa ako. Eh dito, ang daming sakripisyo. Maraming bawal noong una, kasi binabantayan ako during the first three months. Wala akong pelikula. TV show lang talaga. Sa TV, ingat na ingat din sila. Nakipag-cooperate naman sina Rowell (Santiago, her director in Sharon) na walang masyadong kanta; at hanggaít maari, walang masyadong tayo. Kasi talagang nakiusap ako.

Q: Do you already have a name for your baby?

A: ëPag babae, Simoune Francesca Emmanuelle. ëPag lalaki, Pablo Francisco Emmanuel. ëYan ang promise talaga namin ni Kiko sa Panginoon noong una naming malaman, nuíng umpisa pa lang ng pregnancy. Emmanuel is another name for Jesus, eh. God is with us, ang ibig sabihin nito. Tapos, Christmas pa, so we really wanted the name Emmanuel. Promise namin dahil gift siya eh.

Q: What is the babyís gender?

A: Girl daw. Pero youíll never know until the very end, until you give birth. Sabi nila, pag sa ultrasound, boy, usually 99.9 percent boy iyan. Pero pag girl, in the end puwedeng magpalit pa. Pero ako gusto ko ng boy. Gusto ko noong una boy kasi may girl na ako. Pero kung girl ito, Iíll still be very happy. Iím actually also looking forward to a girl kasi malambing.

Q: How does KC feel now that she will soon be an Ate?

A: Excited. Pero I think noong una, nagpipigil siya ng excitement kasi nga nakunan ako twice. Pero excited siya.

Q: What are your plans for Christmas?

A: Wala, dito lang ako sa bahay. Hindi ko na kayang maglalabas. Last taping ko for Sharon, October pa. Lalabas lang ako pag pupunta ako kay Mommy (Elaine Cuneta), thinking na pag may nangyari, ang lapit ko lang sa ospital (Makati Medical Center). Dito lang ako usually sa bahay o kaya pupunta ako kay Tita Helen.

Q: What keeps you busy?

A: Preparing for Christmas. Nagbabalot ako ng mga Christmas gifts at natapos ko na ang aking mga Christmas cards. Hanggaít maari, hindi ka naman puwedeng ikot ng ikot. Paupo-upo muna. Order-order na lang sa halip na mag-shopping. Hindi ako halos lumalabas. Hindi ko na rin kaya. Hindi ko na kayang nakatayo ng matagal, lalo na pag ang lugar ay di ka puwedeng makahiga kung kailangan. Kaya ang punta ko ay kay Mommy at kay Tita Helen na lang. At least, whatever happens, puwede kang mahiga. Wala nang party-party. Kaya maski baby shower, pag tinatanong nila ako, ang request ko ay kung puwedeng dito sa bahay na lang.

Q: Who is your doctor?

A: Dr. Greg Pastorfide. Heís a resident at Makati Med and at Cardinal Santos Hospital. Hindi ko pa alam kung saan ako manganganak. Huwag ninyo na lang isulat kung saan ako manganganak dahil baka magdagsaan ang mga tao. Gawin itong tourist attraction. Kawawa naman ang bagets.

Q: What will you do after giving birth?

A: Take care of the baby, campaign for my husband, and shoot a movie with Robin (Padilla) habang nagpapayat.

Q: But isnít it, just when you got the figure you wanted after dieting, you suddenly got pregnant?

A: Actually, it helped na pumayat ako. So mas important naman ang baby ko. ëYung pagpapayat, kaya kong gawing mag-isa; ëyung baby ko, bigay ng Panginoon. Nakatulong ang pagpapayat ko. Sabi ko magpapapayat ako not necessarily to have a movie. Nagkataon lang na it was good I was shooting a movie with Richard (Gomez). More than that, to help sana with the baby. Nagpunta pa kami ni Kiko sa Amanpulo. Doon ko nga isinuot ang bagong bili kong bathing suit. The reason we went was because I wanted to get pregnant; but I didnít get pregnant there. When we got home, I learned I was pregnant. Sayang. Ang mahal ng bathing suit na iyan.

Q: Many people are happy that youíre about to give birth to your second child. Everybody is praying for your safe pregnancy and the health of your baby.

A: Oo nga, and Iím very happy. Si Ate Vi (Mayor Vilma Santos-Recto of Lipa City), kung anu-anong pagkain ang ipinapadala sa akin. Noong isang araw, bibingka. Ngayon, may padala na naman siyang pagkain. Hindi ko pa lang binubuksan. Duda ko, suman iyon.

Q: Are you doing any albums?

A: Iím doing two albums, one for Viva and one for BMG.

Q: How is KC now?

A: Sheís doing fine. Sabi ko sa kanya, okay lang for her to go out with her friends basta nakikilala ko sila. Ang suwerte nga ng magiging manugang ko, eh. Huwag lang siyang gago. Pasa-salvage ko siya [laughter].

ëYung stage ni KC ngayon ay maganda, dahil sa dami ng nakikilala niya. She can get to know them well. Ako, sino ba ang nakilala ko that time? Si Gabby (Concepcion) lang. Noong mag-break kami, sino ang nakita ko? Si Rowell (Santiago) lang. So I allow KC to go out pero may curfew. Hindi rin puwede pag school nights.

Wala pa ring date-date. Grupo-grupo sila. ëYung concert ng Freestyle, nanood si KC. Ako pa nga ang nanghingi ng tickets noon, eh. At saka ang akin, kung ang paalam mo youíre going to point A, kung gusto ninyong pumunta sa point B, tumawag ka. Huwag mo akong gugulatin. Ayoko ëyung malalaman ko na ëNakita ko si KC sa ganoon.í Nakakainis iyon. Parang dinedeadma mo ako. Ayoko ng ganoon.

Q: How are Kiko and KC together?

A: Mahal na mahal siya ni Kiko. They are really close. Minsan nai-insecure ako. Di ba sa akin lumabas ito? Bakit ito nagpapa-close diyan (Kiko)? Pero mahal na mahal siya ni Kiko.®


©1998-2002 Sharon C. Pangilinan. All rights reserved.
Design by Storm Visualization & Imaging