|
Her name in Dear Heart is April. In P.S. I Love You, Kirstine. In My Only Love, Cindy. Siya si Jenna sa Pati Ba Pintuig Ng Puso? Si Myrna sa Dapat Ka Bang Mahalin? Si Salve sa Babangon Ako't Dudurugin Kita. Rebeca Rios naman siya sa Bukas Luluhod Ang Mga Tala. Dorina Pineda sa Bituing Walang Ningning. Guadalupe Velez sa Pasan Ko Ang Daigdig. Si Elaine sa Nakagapos Na Puso. Si Mariel sa Madrasta. At si Cita sa Magkapatid. Lahat ng kanyang pelikula, napanood ko sa regular theater run, all in their opening days, at may video copy pa ako. Yung iba betamax pa. Yung iba naman VHS na. Yung mga medyo bago, VCD at DVD na. "Bubuksan mo ba ang pinto o ihahampas ko sa yo ang maletang ito. Isang linggo kang hindi nagtrabaho, nagbabad ka sa kama ng babaeng yun tapos gusto mo para akong tangang naghihintay sa iyo rito. Hoy uuwi na lang ako sa bahay namin at mga totoong tao ang mga kasama ko roon!", sabi niya kay Gabby sa Dapat Ka Bang Mahalin? Magbato ka ng dialogue niya sa alinmang movie at sasabihin ko sa yo kung ano ang title ng movie, ano ang pangalan niya sa movie, sino ang leading man niya sa movie, sino ang best friend niya sa movie, ano ang style ng buhok niya sa movie at sino ang boyfriend niya nung kasulukuyang ginagawa niya ang movie. Lahat ng kanyang albums, meron ako, mapa-vinyl, mapa-cassette or mapa-CD. Mula DJ's Pet, High School, Bituing Walang Ningning Soundtrack, Sana'y Wala Nang Wakas Soundtrack, For Broken Hearts Only, Movie Theme Songs, Sharon Sings Valera, When I Love, Nothing I Want More, hanggang All I Ever Want. Tawag Ng Pag-Ibig ang kanyang first single. Mr. DJ naman ang kanyang first hit. Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko ang follow-up. Lahat ng kanyang concenrts, napanood ko. Like Sharon Solo with the Boys, The Sharon Cuneta Concert Tour, Cuneta sa Cuneta, Mega Up-Close, Wish Upon a Mega and of course, yung last niya, The Megaevent. Lahat ng kanyang TV shows nasundan ko. From CUTE (Call Us Two for Entertainment with Helen Camboa), Okay Sha, The Sharon Cuneta Show all the way to Sharon. O siya, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Ako'y isang Sharonian. Ako'y isang tagahanga. Nandidiri ka sa akin? Ooops, ooops, ooops, huwag magmalinis. Lahat tayo tagahanga. Bata man o matanda. Sosyal man o bakya. Babae man o lalake. Tomboy man o binabae. Lahat tayo, humahanga. Iba-iba nga lang ang ating mga hinahangaan. Some of us type na type ang mga sikat na people tulad ng stars, singers, dancers, painters, photographers, directors, musicians, athletes, models at maging politicians. On the other hand, some of us naman admire yung hindi gaanong kasikatang people tulad ng teacher natin sa grade 3, corps commander natin sa CAT, yung barangay captain sa baryo natin, yung kalaro natin sa patintero, yung ninang natin sa kumpil, yung pinsan natin na graduate sa PMA at kung sinu-sino pa. Lahat tayo, humahanga. Iba-iba nga lang ang level ng ating paghanga. Merong handang makipagsabunutan makita lang ang idol niya. Meron namang casual lang ang reaction kahit nakasalubong niya by surprise ang idol niya. Pero just the same, wala silang pinagkaiba. Pareho rin silang fan. Sino man ang hinahangaan at gaano man katindi ang paghanga, ang pagiging fan ay hindi dapat ikahiya. Why naman? Being a fan means you have the ability to see beauty in another person. You appreciate that person. Ibig sabihin, you're alive. Nakakakita ka pa. Nakaka-feel ka pa. Hindi ka manhid. Di ba pagkatapos kumanta ni Sharon, hindi ka magkandaugaga sa pagpalakpak? More often than not, we idolize people for things that we don't have. Meaning, gustong-gusto mo ang pagiging matapang ni Sharon, kasi duwag ka. Therefore being a fan makes us accept the fact that we are not perfect. And when we know in mind and heart that we are not perfect, we work on our weakness and keep our strengths. We become better human beings. Being a fan also gives us one of the best things in life. That is, we get to do what we love doing. Bakit ka ba humahanga, kai masarap humanga, di ba? May nakilala ka na bang fan na hindi masaya sa pagiging fan? Bakit mo hinahabol si Sharon? Kasi heaven ang feeling mo pag nakita mo siya. Idolizing someone is also one of the cheapest forms of entertainment. You get giggly without spending a fortune. Autograph lang ang makuha mo, parang nag-Boracay ka na. Makamayan o mahalikan mo lang ang idol mo, parang bumili ka na ng new arrival na Nike. Idolizing someone is also a very safe way to get high. Makapanood ka lang ng movie ng idol mo, solve ka na. Marinig mo lang ang idol mo sa concert, cloud 9 na ang feeling mo. The joys of being a fan are countless. Nakakahiya lang naman ang pagiging isang tagahanga kung ito'y nagpapahamak sa iyo. Instead na mapabuti ka, eh napapasama ka. In this case, tangahanga na ang tawag sa iyo. To prevent this from happening, take this subject: Responsible Fanaticism 101.
Lesson 1: Choose your idol.
Lesson 2: Grow with your idol.
Lesson 3: Your idol is not your life. In other words, hindi bawal ang humanga. Kailangan lang may control. That doesn't make you love your idol less. It just makes you love yourself more. Ganyan exactly and guide ko in idolizing Sharon. Kung patindihan lang ang pagka-fan kay Sharon, isa na yata ako sa pinakagrabe. Lahat ng pelikula niya, alam ko. Lahat ng kanta niya memorized ko. Lahat ng concerts niya napanood ko. That's why when I met her in person the very first time, nanginig ako. Pero hindi ako nagpahalata. Cool lang. Pero deep inside, ninenerbiyos ako. Para akong nagpapainterview sa US Embassy sa nerbiyos. Ganoon naman talaga. Kahit kilig ka na, dapat hindi ka pa rin nawawala sa sarili. Alam ko man lahat ng roles niya mula Dear Heart hanggang Magkapatid, hindi ko naman kinalimutan ang mga roles na dapat kong gampanan sa aking pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Lahat man ng pelikula niya ay napanood ko, ni minsan hindi ako nag-absent sa school or office sa panonood nito. Lahat man ng albums niya ay meron ako, inuuna ka pa ring bilhin ang mga mas importanteng bagay bago ang mga ito. Lahat man ng TV shows niya ay nasundan ko, alam ko pa rin na may mga iba pang bagay na enjoy gawin maliban sa panonood ng TV. Dahil ako ay tagahanga. Hindi tangahanga.
|
|
©1998-2002 Sharon C. Pangilinan. All rights reserved.
Design by Storm Visualization & Imaging |
||||